Friday, December 11, 2020

Inom ka ng Inom


Alak pa alak pa.

Lasing ka nanaman.
Madaming sinasabi na pag gising ay di alam. Madalas nating sisihin ang taong lasing. Dahil tayo ay nagsasalita sa pananaw ng taong nakakakitang sya ay lasing. Tama ka! Lasing nanaman ako! Dahil yun ang nakikita mo.

Pero bago maganap ito ano ang kinalaman mo.
Ano nga ba ang tunay na alam mo sa buhay ko.
Sino ka para husgahan ako. Sino ka para sabihin ang patutunguhan ng buhay ko. Hindi ito isinulat para sabihing tama ako at ang iniisip mo ay mali. Naitala ito dahil tama ka. Oo lasing nanaman ako.

Patawad kung ito ay mali sa paniniwala at pananaw mo pero sana maniwala ka din na di wala itong kinalaman sayo.
Lasing ako. Oo. Uminom ako. Oo. Pero di ko intensyon na saktan ka, pakialaman ka o kung anumang kinatatakutan mo dahil lasing ako. Kaya’t wag kang matakot o mangamba o mangialam kung lasing ako. Dahil ang totoo wala itong kinalaman sayo.

No comments:

Post a Comment